Filipino(シンボルマーク募集)
Iba pang wika / Other languages
- Português(Concurso para escolha da Logo da Convivência Intercultural da Província de Shizuoka)
- English(Call for Submissions Shizuoka Prefecture Intercultural Shizuoka Logo)
- やさしい日本語(静岡県(しずおかけん)多文化共生(たぶんかきょうせい)シンボルマークを考(かんが)えてください)
Mga Tuntunin | Application Form
-
Mga Tuntunin (PDF 166.7KB)
-
Application Form (PDF) (PDF 60.2KB)
-
Application Form (Word) (Word 23.5KB)
Halimbawa ng Disenyo
1 Layunin
Ngayong 2025, ilulunsad ng Lalawigan ng Shizuoka ang Buwan ng Interkultural na Pamumuhay (Shizuoka Intercultural Month), at iba pang inisyatibo sa pagtaguyod ng Shizuoka bilang pinaka-interkultural na lalawigan sa Japan.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan na ito, tumatanggap kami ng mga disenyo para sa logo na nagpapahayag ng "Isang makabagong interkultural na lalawigan na sama-samang binubuo ng lahat, anuman ang lahi, kultura, o edad." na siyang minimithi ng pamahalaang panlalawigan ng Shizuoka.
2 Nilalaman
(1) Hinihingi
Logo ng Interkultural na Pamumuhay sa Lalawigan ng Shizuoka (Intercultural Shizuoka Logo)
※Mangyaring basahin nang maigi ang "5 Mga Tuntunin ng Logo"
(2) Kuwalipikasyon
-
Maaaring sumali kahit sinong may kinalaman sa lalawigan ng Shizuoka.
-
Maaaring magpasa bilang grupo ngunit kailangang pumili ng isang representative para magsagawa ng aplikasyon.
-
Mangyaring maglakip ng permiso mula sa magulang o guardian kung menor de edad (wala pang 18 taong gulang). Maaaring mapawalang bisa ang pagkakapili ng disenyong isinumite ng isang menor de edad kung walang pahintulot na kalakip. Ang edad ay ang edad sa mismong araw ng pagpasa ng disenyo.
(3) Panahon ng pagpasa ng disenyo
Mula ika-2 ng Hunyo 2025 (Lunes) hanggang ika-4 ng Hulyo 2025 (Biyernes)
(4) Bilang ng ipapasang disenyo
Maaaring magpasa ng hanggang dalawang disenyo kada isang tao o grupo.
Ang nagpasa na ng disenyo bilang representative ng grupo ay hindi na maaaring magpasa ng disenyo bilang indibidwal
(5) Paggagamitan ng logo
Gagamitin ang dinisenyong logo sa mga materyal para sa pagpapalawig ng mga gawain o event na may kinalaman sa interkultural na pamumuhay na isasagawa ng pamahalaang panlalawigan o ng mga bayan at lungsod sa loob ng lalawigan ng Shizuoka.
3 Paraan ng Pagpapasa ng Disenyo
(1)Punan ang Application Form
-
Application Form(PDF) (PDF 60.2KB)
-
Application Form (Word) (Word 23.5KB)
Kung sakaling gagamit ng ibang papel maliban sa naitalagang application form, siguraduhing ito ay kulay puti, ang disenyo ng logo ay nasa loob na kahon na may habang 100mm sa bawat gilid, at ang lahat ng hinihinging impormasyon na nasa application form ay siya ring nakasulat dito.
(2) Pagsusumite ng Disenyo
-
Online (jpg/png/pdf na hindi lalampas sa 100MB)
Isumite sa pamamagitan ng link na nasa ibaba.
URL:https://apply.e-tumo.jp/pref-shizuoka-u/offer/offerList_detail?tempSeq=16437 -
Via email (jpg/png/pdf na hindi lalampas sa 10MB)
Ipadala sa email address na nakasulat sa "11 Tagapagpaganap/Para sa mga Katanungan" ang application form at design bilang attachment, o sa mismong katawan ng email. Ilagay na email subject ang 「多文化共生シンボルマーク応募」- maaaring i-copy at paste. -
Via post (Kailangang dumating hanggang ika-4 ng Hunyo 2025 (Biyernes))
Ilakip ang application form at disenyo sa envelope na may nakasulat na 「多文化共生シンボルマーク在中」o "Re: Intercultural Shizuoka Logo" at ipadala sa adres na nakasulat sa "11 Tagapagpaganap/Para sa mga Katanungan." Siguraduhing hindi matutupi ang mismong disenyo. -
Dalhin sa tanggapan
Mangyaring dalhin ito sa adres na nakasulat sa "11 Tagapagpaganap/Para sa mga Katanungan" sa loob ng panahon ng pagtanggap ng mga disenyo, Lunes hanggang Biyernes mula 8.30 ng umaga hanggang 5.15 ng hapon. Siguraduhing hindi matutupi ang mismong disenyo.
4 Premyo
(1) Grand Prize Winner (Isa lamang)
-
Sertipiko ng Pagkilala
-
Gift certificate (Quo Card) na may halagang 30,000 yen
(2) Finalist (Dalawa)
-
Sertipiko ng Pagkilala
-
Gift certificate (Quo Card) na may halagang 6,000 yen
5 Mga Tuntunin ng Logo
-
Ang logo ay dapat na may disenyo na naaayon sa layunin (na mababasa sa "1 Layunin") at nagpapakita ng "Isang makabagong interkultural na lalawigan na sama-samang binubuo ng lahat, anuman ang lahi, kultura, o edad." Hindi hinihinging magdisenyo ng karakter.
-
Kung sakaling ang disenyo na iginuhit gamit ang tradisyonal na pamamaraan ay pumasa sa huling antas ng pagsusuri, ito ay pagagawan ng digital na bersyon sa napiling kumpanya ng pamahalaang panlalawigan. (Basahin nang maigi ang "8 Tungkol sa Copyright at Iba Pa")
-
Isama sa disenyo ang katagang "Intercultural Shizuoka" na nakasulat sa alpabeto. Maaari itong ilagay kahit saan. Kung sakaling iginuhit ang disenyo at may tiyak na font para dito, mangyaring ideklara ito sa application form.
-
Walang ipinagbabawal na kulay ngunit mangyaring iwasan ang kulay itim at puti lamang na disenyo.
-
Walang itinalagang hugis ngunit mangyaring i-disenyo ito na may 1:1 na ratio, at naiintindihan at kaaya-aya pa rin tingnan kahit paliitin nang hanggang 20mm.
-
Gawing puti ang background ng disenyong isusumite.
-
Ang disenyo ay dapat na orihinal na gawa at hindi pa nagagamit sa loob o labas ng Japan. Hindi rin papayagan ang mga likhang ipinasa o balak ipasa sa iba pang tawag para sa disenyo ng logo. Higit pa rito, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng artificial intelligence o AI.
6 Proseso ng Pagpili at Pagpapahayag ng Panalo
- Unang antas ng pagsusuri
Pipili ang dalawang PR adviser ng lalawigan ng mga disenyo na papasok sa susunod na pagsusuri batay sa kaangkupan nito bilang logo. - Ikalawang antas ng pagsusuri
Susuriin ang mga disenyo ng kumite na binubuo ng mga tao mula sa iba't-ibang lahi at pipili ng tatlong disenyo. - Huling pagsusuri
Pipiliin ng mga mamamayan ng Shizuoka ang Grand Prize Winner sa pamamagitan ng online na pagboto. - Pagpapahayag ng panalo
Ipapaalam sa Grand Prize Winner at mga finalist, at ipapahayag ang mga nanalo sa website ng lalawigan ng Shizuoka sa katapusan ng Setyembre 2025 (ayon sa plano). Magsasagawa rin ng awarding ceremony sa Buwan ng Interkultural na Pamumuhay (Shizuoka Intercultural Month) na gaganapin sa Disyembre 2025. Ang pangalan ng may gawa, adres (bayan na tinitirhan), trabaho, edad, at paliwanag ng disenyo ay isasapubliko para sa mga napili at nanalong disenyo.
7 Mga Dapat Tandaan sa Inyong Pagpapasa ng Disenyo
-
Ang lahat ng gastos sa pagsali gaya ng sa paggawa ng disenyo, pagpapadala ng aplikasyon, at sakaling pagdalo sa awarding ceremony ay sasagutin ng mismong magpapadala ng aplikasyon.
-
Huwag burahin ang orihinal o kopya ng disenyo hanggang mapahayag ang panalo.
-
Hindi na maaaring baguhin ang ipinasang disenyo. Hindi na rin ito ibabalik.
-
Hindi sasagutin ang anumang katanungan tungkol sa proseso ng pagpili, resulta ng pagsusuri, at dahilan sa pagkakapili ng disenyo.
-
Huwag ipakita sa ibang tao ang kopya ng inyong ipinasang disenyo hanggang mapahayag ang mga napiling disenyo.
8 Tungkol sa Copyright at Iba Pa
- Maaaring ipabago o ipaayos ang pagkakakulay o ilang bahagi ng disenyo matapos ang konsultasyon sa orihinal na may likha para sa mga disenyo na sasailalim sa huling pagsusuri. Gayundin, ang disenyong iginuhit sa tradisyonal na pamamaraan na nakapasa sa huling pagsusuri ay pagagawan ng digital na bersyon matapos kumpirmahin sa may likha ang nilalaman ng disenyo. Kung hindi mapagkakasunduan ang mga pagsasaayos ay tatanggalin ang disenyo mula sa listahan ng mga napili.
- Ang copyright, usage right, trademark, at iba pang karapatan sa mga napiling disenyo ay panghahawakan ng pamahalaang panlalawigan. Hindi maaaring gamitin ng may likha ang kayang moral na karapatan (na nakasaad sa artikulo 18 hanggang 20 ng Copyright Law (chosakukenho)) sa kanyang disenyo.
- Kung ang isinumiteng disenyo ay makatanggap ng paniningil ng danyos mula sa iba pang tao o institusyon dahil sa kaso gaya ng pagnanakaw ng gawa o copyright infringement, ito ay responsibilidad na lutasin at bayaran ng nagpasa ng disenyo.
- Maaaring singilin ng danyos ng pamahalaang panlalawigan ang nagpasa ng disenyo kung sakaling mapinsala ang pamahalaan dahil dito.
- Kung ang napiling disenyo ay pareho o may pagkakahawig sa nauna nang mailathalang disenyo, o lumalabag sa karapatang intelekwal ng ibang tao o institusyon (kahit na mangyari ito matapos maipasa ang disenyo), o lumalabag sa batas o sa tuntunin ng tawag para sa disenyo na ito, ang pagkakapili sa disenyo ay ipagpapasawalang bisa. Bukod pa rito, kahit na madiskubre ang paglabag matapos na magawad ang premyo, maipasasawalang bisa pa rin ang pagkapanalo sa parehong paraan.
9 Iba Pang Dapat Tandaan
- Siguraduhing napagkasunduan ng lahat ng kabahagi sa paglikha ang ipapasang disenyo kung sakaling magpapasa bilang grupo.
- Ang pagpapasa ng disenyo ay nangangahulugan ng inyong pagsang-ayon sa lahat ng nakasaad sa tuntunin na ito.
- Ang maling pagdedeklara sa pagsusumite ng disenyo, pagpapasa nang lampas sa itinakdang panahon, o hindi pakikipagkomunikasyon ay hahantong sa hindi pagsali ng disenyo sa pagsusuri. Maaari ring maipasawalang bisa bunsod nito ang pagkakapili kahit na tapos na mapahayag ang mga panalo.
- Hindi isasama sa susuriin at pagpipilian ang mga disenyong lumalabag sa pampublikong kaayusan at iba pang batas, nagpapakita ng pang-aabuso, o lumalabag sa copyright o iba pang karapatan ng ibang indibidwal o grupo. Maipapasawalang bisa rin ang pagkakapili ng disenyo kung makikita ang mga ganitong bagay matapos maipahayag ang pagkakapili. May posibilidad rin ng paniningil ng danyos bunsod nito.
- Kung mapipili ang disenyo ng isang menor de edad (wala pang 18 taong gulang), gagawin ang mga proseso na may kinalaman sa copyright kasama ang magulang o guardian.
- Ang mga tuntuning nakasaad rito ay maaaring mabago o madagdagan batay sa desisyon ng pamahalaang panlalawigan.
10 Tungkol sa Personal na Impormasyon
Ang inyong personal na impormasyon ay sisiguraduhing iingatan at hindi gagamitin sa ibang bagay bukod sa kumpirmasyon tungkol sa disenyo, pagsusuri sa mga likha, pagpapahayag ng resulta ng pagsusuri, pagpapahayag ng napiling disenyo, paggawad ng premyo sa napili, at iba pang bagay na may kinalaman sa gawaing ito, at hindi rin ipagbibigay alam sa ibang indibidwal o institusyon nang walang sapat na dahilan.
11 Tagapagpaganap/Para sa mga Katanungan
静岡県企画部多文化共生課(静岡県庁東館3階)
Shizuoka-ken Kikaku-bu Tabunka Kyosei-ka(Shizuoka Kencho Higashi-kan 3F)
〒420-8601静岡県静岡市葵区追手町9番6号
〒420-8601 Shizuoka-ken, Shizuoka-shi, Aoi-ku, Otemachi 9-6
☎: 054-221-3316
📧: intercultural@pref.shizuoka.lg.jp
PDFファイルをご覧いただくには、「Adobe(R) Reader(R)」が必要です。お持ちでない方はアドビ株式会社のサイト(新しいウィンドウ)からダウンロード(無料)してください。
このページに関するお問い合わせ
企画部多文化共生課
〒420-8601 静岡市葵区追手町9-6
電話番号:054-221-3316
ファクス番号:054-221-2542
tabunka@pref.shizuoka.lg.jp